Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Mart DeHaan

Kamangha-mangha

Matanda na si Ginang Goodrich at may mga pagkakataong pinagbubulayan niya kung ano ang mga naranasan niya sa buhay. Minsan, habang nakaupo siya malapit sa kanyang bintana at nakatingin sa magandang dalampasigan, inabot niya ang papel at sumulat ng isang tula.

“Nakaupo ako at nagmamasid sa aking paligid. Pagkamangha ko ay walang patid. Kay gandang pagmasdan ang araw at alon.…

Pagiging Tao

Isang dating palabas sa telebisyon ang Little House on the Prairie. May eksena sa programang ito kung saan nakita ng labing-dalawang taong gulang na si Albert na umiiyak si Mr. Singerman.

Tinanong ni Albert si Mr. Singerman kung bakit siya umiiyak. Sinabi ni Mr. Singerman na, “Umiiyak ako dahil tinuruan ako ng tatay at ng lolo ko na ayos lamang…

Gibain Ang Bahay

Sa Pontiac, Michigan, nagkamali ang isang kompanya sa bahay na kanilang gigibain. Nalaman ng mga imbestigador na inilipat ng may-ari ng bahay na gigibain ang numero ng kanyang address. Inilagay niya ito sa bahay ng kanyang kapitbahay para hindi magiba ang kanyang bahay.

Salungat naman dito ang ginawa ni Jesus. Ang misyon Niya ay ang gibain ang sarili Niyang “tahanan”…

Hindi Man Maunawaan

Ang pelikulang Bambi ay isang pelikula noong 1942 na muling ipinalabas sa mga sinehan. Tungkol ito sa buhay ng isang batang usa na si Bambi. May eksena sa pelikulang iyon kung saan binaril ng isang mangangaso ang nanay ni Bambi. Nakakalungkot na eksena iyon, pero may isang batang sumigaw sa sinehan na “Wow, ang galing ng tirang iyon!” Napahiya ang nanay…

Bakit Ako?

Ayon sa The Book of Odds, isa sa isang milyong tao ang tinatamaan ng kidlat. Sinasabi rin doon na isa naman sa 25,000 tao ang nagkakaroon ng kondisyon na tinatawag na ‘broken hearted syndrome’ dahil sa mga matitinding sitwasyon sa buhay. Paano kung tayo ang dumanas ng mga iyon?

Hindi naman nagpatalo si Job sa lahat ng problemang dinanas niya.…